“Matagal pa ba siya?” Tanong ni Carissa sa kanyang kaibigan na si Gina habang sila’y naghihintay sa pina-reserve nilang table sa isang restaurant.
“Parating na iyon sabi nga niya sa akin naipit lang siya sa traffic at malapit na talaga siya rito. Promise!” sagot ni Gina habang binabasa ang text sa cellphone nito.
“Bakit mo pa kasi ako sinama dito eh date niyo ngayon?” Tiningnan niya ito ng matalim. Matagal na siyang napupuno sa kaibigan niyang ito dahil habang nasa opisina sila ay magtatanong ito ng kung anu-ano tungkol sa kanya. Minsan pa nga may mga what-if situations pa. Tapos ngayon naman sinama pa siya sa date nito.
“Cool ka lang.” Nag-a-alburoto na talaga siya sa kinauupuan niya. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niya sa mga date. Pinagsasayangan lang naman ito ng oras. Kung sino pa ang lalaki, iyon pa iyong late. Siguro kung nasa office pa ako sa mga oras na ito, may extra na akong bayad. Overtime pay iyon! O kung nasa bahay na ako, kanina ko pa sana natapos iyong mga labada ko.“Nandyan na siya!” Tili ni Gina.
“Sa daming beses niyo pa namang nagkikita hanggang ngayon tumitili ka pa rin kapag nakikita mo siya? My God! You’re insane!” Pagsermon niya rito. Hindi na kasi ito nahiya dahil may pagka-class din ang restaurant na iyon at maraming tao ang napapalingon sa kanila. Lumapit sa kanila si John at hinalikan si Gina sa mga labi. Inabutan pa nito ng mga rosas ang kasintahan tsaka palang siya batiin nito.
“Have you order already?” Tanong nito kay Gina. Tumango lang siya at pinagmasdan ang chandelier na nakasabit. Napansin niyang nagbubulungan ang mga ito sa isa’t isa. May nililihim ang mga ito sa kanya.
“Pagkatapos niyo akong isama sa date niyo, kung gusto niyo ng privacy sabihin niyo lang.” Sarkastiko niyang sabi. Kumukulo na talaga ang dugo niya sa mga ito. Tumayo na siya at pumunta sa isa pang parte ng restaurant kung saan may bar doon. Um-order siya ng vodka dahil kanina pa siyang nilalamig sa kinauupuan niya. Malapit kasi iyon sa aircon at nakatapat pa yata sa kanya. Iinom na sana siya ng isang shot ng may lumapit sa kanyang lalaki.Infairness, ang gwapo! May hawak ito ng mga bulaklak at nakatingin sa kanya.
“Mas maganda ka pala sa personal. I’m Landon. All my life, kahit sa internet lang tayo nagkakilala pakiramdam ko talaga ikaw na ang tanging babaeng hinahanap ko. I love everything about you. From the pictures you have sent me, muntikan na talaga akong hindi maniwala na totoo ka. But now, you’re here alive and beautiful.” Nagulat na lang siya sa pinagsasabi ng lalaking ito. Lumingon siya sa mga tabi niya kaso bakante lang ang mga iyon. Pati nga rin ang barista na lalaki, nagulat din sa ginawang confession ng lalaking nagngangalang Landon. Tinaasan niya ito ng kilay at binaling ang atensyon sa vodka na iinumin niya.
“Miss, kilala mo?” Tanong sa kanya ng barista habang pinupunasan ang goblet.
“Hindi noh. Ngayon ko nga lang nakita iyan eh. Baka ikaw yung kinakausap diyan.” Sabi niya rito.
“Naku! Ma’am hindi po ako bakla. Baka ikaw nga iyong kausap niya.” Nagkatinginan sila at sabay na hinarap ang pobreng lalaking naiwang nakatayo doon na may hawak na bulaklak. Parang nagulat ito sa reaksyon niya. May tumapik sa balikat niya at si Gina iyon kasama rin nito si John.
“Grabe! Carissa, di ko alam na pumupunta ka pala sa website na iyon!” May kakaibang ngiti ang naglalaro sa mga labi ng magkasintahang iyon.
“Anong website? Matagal na kaya akong hindi nag-i-internet. Paano niyo naman nasabing pumupunta ako sa website na iyon, eh, kararating niyo palang?” Sunud-sunod na tanong at paliwanag niya sa mga ito.
“Tsk! Kaw kasi eh.” Sisi ni Gina kay John at lalo siyang nagtataka sa mga ito. “I’m sorry Carissa. This is Landon Rivera. Sinet-up naming siya sa iyo sa isang internet dating service.” Paliwanag nito sa kanya.
“Ok. Gets ko na. Kaya ka pala nagtatanong sa akin ng kung anu-ano these past few days. Kaya pala sinama mo ako ngayon para makipag-double date sa inyo kasama si Lennon.” Sarkastikong sabi niya rito.
“Its Landon.” Singit ni John.
“I don’t care! Kung alam niyo lang, dapat naglalaba na ako ngayon!” Hindi na niya alam ang mga pinagsasabi-sabi niya dahil sa sobrang galit at inis sa mga kaibigan.
“Ayaw mo iyon, nakikipag-date ka na lang kaysa naglalaba?” Sabi sa kanya ni John. “Look, maganda talaga iyong site na iyon. Doon kami nagkakilala ni Gina. Kilalanin mo muna siya Carissa.”
“What do you know anyway? You act as if you know everything about being in love just because you slept with each other more than twice!” Hindi niya mapigilang sabihin iyon dahil sa sobrang galit niya. Nasaktan talaga si Gina sa mga sinabi niya kaya hindi na itong napigilang mapa-iyak. Sinamahan na lang siya ni John palabas ng restaurant. “Mr. Landon, I’m sorry kung napasama ka pa sa kabaliwan ng dalawang iyon.” Umupo na siya ng maayos at ininom ang vodka niya.
“Hindi mo man lang sila hahabulin para mag-sorry?” Tanong sa kanya ng barista na mukhang nag-eenjoy sa nangyayari sa paligid niya.
“Bakit naman? Kasalanan naman talaga nilang dalawa iyon. Hindi lahat ng bagay nangyayari sa gusto nilang mangyari. Bahala na silang mahimasmasan sa mga pinaggagagawa nila. Hindi naman kasi nakakatuwa iyon eh. Tingnan mo si Landon, nadamay pa sa kanila. Iyan ang ayaw ko sa mga dating service.” Sinenyasan niya ang barista na bigyan uli siya ng vodka at nagulat na lang siya ng harangan siya ni Landon at kinuha ang vodka niya. “Sa akin iyan.”
“You’re drinking too much, Carissa.” Ito na rin ang nagbayad ng mga ininom niya.
“Kaya ko namang bayaran iyan eh. Sorry nga pala sa nangyari kanina ha? I’m sorry that my friends dragged you into this. Mga desperado lang iyong mga yon na magka-boyfriend ako. I don’t need one anyway.” Sabi niya rito. Inabot pa rin sa kanya ni Landon ang mga bulaklak…
“So kung hindi mo alam ang lahat ng ito… tanggapin mo na lang ang bulaklak na ito kunwari galing sa isang fan.”
“Fan?”
“Yeah, fan.”
“I can’t understand.”
“Hindi ba amateur skater ka?” Biglang kumulo ang dudo niya.“Aba’t stalker yata ito ah!” naningkit ang mga mata niya at hinablot ang mga bulaklak at pinagpupupukpok dito. “Stalker ka! Tulungan niyo ako! May stalker ako!” pagwawala niya. The next thing she knew the man named Landon was being caught by the guards and his face is very red.
“Ma’am kailangan niyo pong sumama sa amin para mapatunayan na masamang tao si Sir.”
MAGKATABI silang nakaupo sa prisinto at bahin ito ng bahin.
“Bakit?” tanong niya rito.
“Anong bakit?” balik tanong nito na may himig na galit.
“B-Bakit bahin ka ng bahin?”
“May allergy ako sa bulaklak.” Padabog na sagot nito.
“G-Ganon ba? Sorry ha? Bakit mo ba ako kilala?”
“Nag-i-skate din ako kagaya mo. Kasama din ako sa hall of fame malapit sa picture mo. Ewan ko kung nakikita mo yun. To be honest, nagandahan ako sayo. Kaya nung ikaw ang niretong match sakin nung webmaster nung internet dating service ginarab ko kaagad dahil ‘di kita naabutan sa skating rink.”
“Bakit hindi mo sinabi agad?”
“Paano ba naman nung sinabi kong as a fan hinataw mo ako kaagad ng bulaklak.”
“Naku, pasensya ka na talaga. Promise babawiin ko yung statement ko kanina.”
“I’m Landon Villanueva.”
“Carissa Montez.” Nag-shake hands sila. “How can I make it up to you? To show that I am really sorry.”
“Be my skating partner.” Walang kagatol-gatol na sagot nito.
“What?” nanlalaki ang mata na sagot niya. “I’m not good.”
“Yes you are.”
“In solo. Not with partner.”
“Is there no other way?”
“I want to join in the annual competition. I want that badly. And apparently I do not have a partner.”
“Wag na lang ako. Humanap ka na lang ng iba.”
“Fine. Sasabihin ko sa kanila na totoo ang sinasabi mo at pag nakulong ako ‘di ako magpa-piyansa, konsiyensiya mo na yon!”
“Huh? Wag!”
“Then be my partner.”
“Fine!” napipilitang sagot niya. He smiled triumphantly. “Don’t flatter yourself too much, I will do it because of my conscience.”
“Kung yan ang gusto mong paniwalaan.”
“Talaga- ay hindi! Ano ka ba? Siyempre yun ang nararamdaman ko.”
“Bahala ka na nga.”
Chapter One
Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng araw na iyon. Malakas ang kutob niya na hindi na siya guguluhin nito dahil next three months pa siya ba-balik sa skating league. Career break muna ang ginagawa niya. She uses this time to have her mind, soul and body to be refreshed. But how ironic, tingnan niyo siya ngayon, naghahabol sa deadline ng trabaho niya. She can’t even take a coffee break because of the loads of her files to recheck. Nagkabati na rin silang tatlo nina Gina at John. Binigyan pa siya nito ng mga pastries para lang mapatawad. Pero kahit simpleng ‘I am sorry’ lang ayos na sa kanya. Pero mas pabor naman sa kanya ang ginawa ng mga ito dahil mahilig siya sa cake.
Pauwi na siya mula sa trabaho ng maisipan niyang i-check iyong website na tinutukoy nilang may dating service. Chineck niya ang profile niya. Wow. Eksaktong-eksakto ang mga ito. Talagang napaka-accurate. Nilagyan pa siya ng prime picture ng walanghiya niyang kaibigan. Hindi siya mahilig na magpapicture sa camera pero paano kaya siya nito nakuhaan ng magandang shot? Ah! Siguro noong lumabas kami noong birthday niya…aniya sa kanyang isipan. Pinilit lang iyon pero buti na lang maganda ang kinalabasan. Nagulat na lang siya sa nakita niya. O My Gosh! Hindi mahigit kumulang 1, 457, 653 na ang may crush sa kanya. Iyon ang pakulo ng site na iyon na kapag nagustuhan mo ang profile ng tinitingnan mo, i-press mo lang ang crush button para makakuha ng mga update niya. Napakamot na lang siya sa ulo niya. “Ganito na ba talaga ka-desperado ang mga tao ngayon? Easy date, easy love. Pati internet pinapatulan, Oh God.” Sabi niya sa sarili niya. Wala naman masyadong tao doon kaya ayos lang.
Ring. Ring. Ring.
Tiningnan muna ni Carissa kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi naka-register sa phone niya ang number na iyon. Nagdalawang-isip pa siya kung sasagutin niya o hindi. Paano kung isa na naman iyong stalker? Shucks! Ito ang problema ng mga sikat. Hindi na niya alam ang gagawin niya dahil na press niya ang answer button na hindi sinasadya.
“Hi!” Bati sa kanya ng isang pamilyar na boses ng lalaki sa kanya.
“Bonjour, monsieur. Peux-je vous aider ?” Good afternoon, sir. May I help you? Nilagyan pa niya ng French accent ang sinabi niya.
“Teka. Hindi naman ‘to long distance call ah.” Rinig niya mula sa kabilang linya. Nagulat na lang siya ng marinig ang tawa nito. “Très drôle, me chere.” Very funny, my dear. God. Bagay na bagay ang boses nito na mag-french. Lalo tuloy siyang namangha dito. So sexy! Sambit niya sa kanyang sipan. “Narinig kitang tumawa. Niloloko mo pa ako.”
“Sino ‘to?” Painosenteng tanong niya para asarin ito.
“Ah, ganyanan na pala tayo ah. Tandaan mo tong maigi, young lady. Landon Villanueva.” Parang naasar nga niya ito. Her plan worked alright.
“Bakit ko naman kailangang tandaan yon eh iyong lalaking nagngangalang naman iyon eh nakilala ko lang noong isang araw at stalker ko at may allergy sa bulaklak. Nothing special, man.” Ganti niya rito.
“Tandaan mo ‘yan dahil balang araw ay magiging Mrs. Landon Villanueva ka.” Mariin nitong sabi sa kanya. Seryosong-seryoso pa ito. Natawa na lang siya.
“Oh? Talaga? Walang-wala ka sa plano ng buhay ko Mr. Villanueva. Kahit isa doon wala. Maging asawa mo pa? Hinding-hindi mangyayari yon. Bakit ka nga pala napatawag? Especially, paano mo nga pala nakuha ‘private’ cellphone number ko?” Inemphasize talaga niya ang ‘private’ na word.
“I’m just reminding you sa usapan nating maging magka-partner tayo sa skating. Whether you like it or not, you’ll be with me, you’ll stay with me and you’ll fall in love with me.” Ano bang napunta sa kukote nito at puro kabaliwan lang ang lumalabas sa bibig?
“Well, whether you like it or not, hindi ako babalik sa skating in a couple of months, wala akong balak makipagkita sa iyo at wala akong balak na patulan ka. Mark those words.” Binabaan na niya ito. What a freak?! sigaw niya sa kanyang isipan. Sa lahat ng ayaw kasi niya ay inuutusan siya na para bang alila. Sino pa naman ba ito para ipagpilitan ang sarili sa kanya? Akala mo kung sinong hari. She hated his guts from the very start. Sino ba ito para pumasok na lang bigla sa buhay niya at maghari-harian? She better get away from him dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila kung magkita sila. Mamaya ipakidnap pa siya nito or worse baka pumayag siya sa mga sinasabi nitong kabaliwan sa kanya. NO WAY!!!
Two weeks later…
Nawala na sa isip niya si Landon dahil naging busy siya. At naisip na niya noon na baka tinigilan na siya nito. Looking back sa pinag-usapan nila nung nakaraan mukhang nagtanda na ito.
Nakikipagtawanan siya sa mga kaopisina niya habang kumakain ng Oreo cookies. Nang kantiyawan siya ng mga ito.
“Carissa, why don’t you throw a party tomorrow? Hindi ba, may career break ka ngayon sa skating? Ibig sabihin libre ka na ‘pag weekend.” Medyo kinabahan siya doon dail hindi siya prepared.
“Don’t worry bring our own foods na lang para hindi ka mahirapan.”
“Okay.” Sumang-ayon na din diya.
MAAGA siyang nagising para i-prepare ang sala at kusina niya sa mga darating na bisita. Nine o’clock ng umaga ang usapan. Lalabas na sila ng lunch at doon magla-lunch. Wala pang nine o’clock present na ang lahat. Nandoon din si Gina at John may dala itong apat na kahon ng pizza.
“Aba, mukhang excited kayong lahat ah!” komento niya at nagtawanan lang ang lahat. Maingay na ang buong bahay niya. May music, may kwentuhan, may nanonood. Siya, inasikaso muna niya ang mga pagkain. May mga chicken bucket from KFC and Jollibee. May mga cake din na galing Red Ribbon at Goldilocks. At kung anu-ano pang pagkain.
Kinukuha niya ang mga plato niya sa cabinet ng may nag-doorbell. Dinig na dinig niya dahil katabi nung cabinet yung doorbell. Nagulat pa nga siya. Akala niya isa sa mga bisita niya. Todo ngiti pa siya.
“Welcome- anong ginagawa mo dito?!” bulyaw niya dito na nakakuha ng atensiyon sa lahat.
“Sinusundo ka.” Sagot nito na nakapagpatahimik sa lahat.
“Sino ang gwapong iyan na naligaw sa bahay mo, Carissa?” si Joy ang officemate niya.
“Boyfriend niya.” Walang gatol na sagot nito.
“BOYFRIEND?!” Bulalas nila ni Gina. “Hindi ko boyfriend iyan nababaliw na yan.” Wika niya. Pero pinangko siya nito.
“Gina! John! Kasalanan niyo ito! Obsessed sa akin ang lalaking ito. Guys!”
Nahigit niya ang hininga ng makita ang sports car nito. “Sh*t ang yaman!”
“Carissa, kami na ni John ang bahala dito. Good luck sa inyo! Enjoy-“
“Gina?!” saway niya dito ng ibaba siya nito sa passenger seat sinubukan niyang buksan ang pinto. “Patay! Naka-power lock!” sa loob-loob niya. Sumakay na rin ito sa driver’s seat. Para silang mga artista na pati ang kapitbahay niya ay nakatunghay. “This is kidnapping.” Saad niya ng pinaandar na nito ang kotse.
“Kidnappin ka diyan. Bayad utang ang tawag dito. And besides, we have a deal. Ikaw lang ang walang isang salita.”
“Excuse me, meron ako ‘non.”
“Then prove it.”
“Fine.”
Naisip niya na kasya siya sa bintana. Pwede siyang lumabas doon. Ang kaso sakit ng katawan at galos ang aabutin niya.
“Pwede bang buksan mo ang bintana? Nasa-suffocate kasi ako.”
“Balak mo bang tumakas? Tatalon ka pa sa bintana? Pathetic. And that idea was crazy.”
“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ako tanga.” Kaila niya.
“Don’t worry harmless ako.” A corner of his lips curved up in a loop sided smile. Nahigit niya ang hininga dahil ang gwapo talaga nito.
“Mas pipiliin kong sumama sa leon kaysa ikaw ang makasama ko.”
“Nasasabi mo yan ngayon pero pag na-in love ka na sa akin kakainin mo ang lahat ng sinabi mo.”
“Duh! As if I would fall for you. If you think that Mister Villanueva then think again.” Sinulyapan siya nito nginitian at kinindatan lang. He did not comment even a word.
NANAHIMIK lang siya hanggang sa makarating sila sa skating rink. Inutusan siya nito na magbihis. Ready talaga ito dahil may dala itong damit para sa kanila. May kinausap ito at pumunta ang mga ito sa skating. Isa-isa kinausap nito ang mga tao. Bawat taong kausapin nito ay umaalis sa skating rink. Medyo nagtaka siya hanggang sa ito na lang ang nasa skating rink at tinatawag siya.
“Cali!” tawag nito sa kanya. Nakasalubong niya ang lalaking kausap nito.
“Bakit nag-alisan po ang mga tao?” tanong niya dito pero nginitian lang siya. “Ay, deadma.” Pinuntahan na niya ito.
“Cali-“
“Ano? Pakiulit nga yun tinawag mo sa akin.”
“Cali.”
“Saan nangaling yon?”
“Sa brand name n isang drink. Parang alcohol drink siya. Sa una matapang pero mahina pa rin siya hindi gaya ng beer. Parang ikaw at malapit sa name mong Carissa. Kaysa naman ‘Cari’ ang pangit, o kaya ay ‘Rissa’”
Bakit parang nagustuhan niya? Hindi na niya pinansin iyon at pinangibabaw ang galit. “At bakit nga pala umalis lahat ng tao, aber?”
“Pinaalis ko sila.”
“Why?”
“Sabi ko magpo-propose ako.”
“Abat-“
“Atsaka para solo natin ito… at solo kita…”
“Huh?” tanong niya.
“Wala sabi ko maganda… kahit nagagalit.”
“I know.”
“You should show me how you move. This is your stage. Go on and make you ‘boyfriend’ proud.”
“Huh!” sagot niya at gad siyang gumawa ng figure 8. Pagkatapos ay binalikan niya ito. Sa pagpreno niya maraming yelo ang tumalsik dito. “See? Pakakainin kita ng yelo.” Sabi niya at ngumisi. Nang hahabulin na siya nito ay nag-skate siya kaagad.
“Anong sinabi mo? Bawiin mo yon.”
“Ayaw. Siguro naman nakita mo ang posture ko at ang grace ko sa paggawa ng figure 8.”
“Well figure 8 is a very easy figure and the most common if you show me a good trick maybe you can convince me by that time.”
“Huh! As if I care.”
“Once I catch you, you will be my skating partner forever.”
“Abah! Hindi ka lang pala mayabang. Illusiyonadong ambisyoso ka pa.”
“Ikaw babae ka-“ naghabulan sila ng naghabulan. Desidido siyang hindi magpa-abot dito ang kaso ay nahagip nito ang palda niya.
“Ay!” pagkatapos ay bumagsak sila. Nasa ilalaim siya at nasa ibabaw ito. There was magic at that moment. Magkahinang lang ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung gaano katagal. Nabalik lang siya sa kasalukuyan ng umulan ng snow. “A-Ay! Ang b-bigat mo.” Saad niya at ito man ay tumikhim at tumayo. Pagkatayo niya nakita ang staff ng skating rink at nakatingin sa kanila habang mga nakangisi.
“Dapat simulan na natin. Sa ngayon wala pa tayong steps. You shoul do your signature figures then i will follow you then we will dance like waltz.”
“Huh?”
“What I mean is as partners.”
“Ah. I see.”
“We will also be doing lifting and jumping.”
“Oh my! Hindi pwede. Hihipuan mo lang ako o hindi kaya ay tsatsansingan.”
“Oh, lady!” hinagod siya nito mula ulo hanggang paa. Nailang pa nga siya. “May mahihipo ba sayo?” sabi nito at tumawa.
“Abat!” hinagod niya ng tingin ang sarili. Bigla siyang na-concious. Ganoon ba ka flat ang dibdib niya? Eh ang bump niya.
“We also need to do combinations.”
“Siyempre.”
“Don’t be so sarcastic. We need to do steps and turns.”
“Oo na.”
“So we will meet again. Let’s call it a day.”
PAGDATING niya wala ng tao doon.
“Landon, pasok ka muna.”
“Hindi na. Baka napagod ka.”
“Okay.”
Chapter Two
Pagpasok niya nandoon si Gina at John. Magkatabi ang mga ito sa sofa habang nanonood ng movie sa HBO. Nakayakap pa ang mga ito sa isa’t isa at nakasandal pa ang ulo ni Gina sa dibdib ni John. Ang sweet ng mga ito at kitang-kita talaga ang pagmamahalan sa mga mata nito. Maybe they really love each other.Nagbubulungan pa ang mga ito sa isa’t isa. Ayaw na niyang gambalain ang mga ito kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto niya. Kelan ko kaya mararamdaman magmahal? Sana may magmahal pa sa akin. Bulong niya sa isipan. May nag-doorbell sa bahay niya at bumaba ulit siya para tingnan kung sino iyon. Napatili si Gina dahil nasa bahay na pala siya.”Carissa! My God! Akala ko may multo na. Bakit di mo man lang kami sinabihan na nandito ka na pala?” Tanong ni Gina sa kanya.
“Busy kaya kayong maglambingan diyan kaya hindi niyo na ako napansin. Oo nga pala. Kung manonood kayo ng t.v. siguraduhin niyo lang na iniintindi niyo. Lalaki bills ko niyan. Kayo pagbayarin ko eh.” Sabi niya dito. Binuksan na niya ang pinto at tumambad sa kanya ang mukha ni Landon.
“May nakalimutan ako.” Wika nito sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil wala naman itong iniwan sa bahay niya dahil hindi man lang ito nakapasok. Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata at naging unsteady na siya kaagad. Pamatay naman ito makatingin! Paano pa kapag ngumiti siya? Hindi na niya maiwan ang mga mata nito dahil parang may sinasabi ito at may ipinaparating sa kanya na hindi niya maintindihan. “May ibubulong ako sa iyo.” Lumapit siya dito at napakalapit ng mukha nito sa kanya. Lumapit pa ito lalo sa kanya at dinampian ng halik ang labi niya. There’s a magical moment in that kiss. Kahit napakabilis nito ay parang nagising ang lahat ng cells niya sa katawan and she yearned for more. Napailing siya sa naisip at tiningnan ng matalim ang Landon na ito. Tumawa ito at hinaplos ang mukha niya. “Goodnight, sweetheart. Sweet dreams.” Bulong nito sa kanya at dinampian ulit ng halik ang mga labi niya. She can’t move that very moment. Shocked siya sa mga pinaggagagawa ng lalaking ito sa kanya. Bakit parang alam nito na gusto pa niyang halikan siya nito? Shit. Nababaliw na nga ako.
Tinuhod niya ito at sinampal sa pisngi. “Wala kang karapatang humalik sa akin, Landon. Skating partner lang kita. Umalis ka na dito.” Pagtataboy niya dito. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya at nang matauhan ito ay hinawakan nito ang namumulang pisngi nito na sinampal niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya kung ano man ang sabihin nito sa kanya kaya binagsakan na niya ito ng pinto at ni-lock iyon. Taas-kilay siyang tiningnan ng mga kaibigan niya.
“Sino iyon?” Tanong ni John sa kanya.
“Wala iyon. Iyong kapitbahay lang. Tinatanong kung bakit…ano daw…ewan! Hanggang anong oras ba kayo dito?” Hindi na makagana ng maayos ang utak ni Carissa dahil sa lalaking iyon. Umalis na rin sila Gina at John at naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay niya. Parating siya lang ang tao doon. Nasa France na kasi ang mga magulang niya. Ginagamit niya ang maiden name ng nanay niya dahil ayaw niyang maging unique ang apelyido niya, Michel. Her father was originally from France at napadpad lang ito sa Pilipinas para iintroduce sa Asya ang business nito. Dito na rin nagkakilala ang magulang nila at nagpakasal. Dito na rin siya lumaki sa Pilipinas at every summer naman siya ay nasa France sila. Parating ganito ang sistema ng buhay niya. Ayaw na nga siyang pagtrabauhin ng magulang niya dahil may sarili silang kumpanya. Experience lang naman ang kinuha niya sa pagtatrabaho at kapag pumayag siyang mamahala ng kumpanya nila ay iiwan na niya ang Pilipinas at sa Paris na siya mamamalagi. Tanging anak lang siya. Sanay na siya sa ganito katahimik na bahay. Pero nalulungkot pa rin siya.
Ring. Ring. Ring.
Sigurado si Carissa na magulang niya ang tumatawag sa kanya. Magkaiba kasi ng timezone doon at parating gabi na lang sila tumawag. Sinagot niya ang telepono at nilapit sa tenga niya ito. “Hello Mama.”
“Hija, how are you there in Philipines?” Sabi ng kanyang ina sa kabilang linya. Cordless naman ang telephone niya kaya inakyat na niya ito sa kwarto niya at lumabas sa verandah. Umupo siya sa upuan na malapit sa mesa. Isinandal na niya ang likod niya sa upuan at ipinikit ang mga mata. Ngayon palang niya naramdaman ang pagod na naranasan niya buong araw. “Carissa, are you still there?”
“Yup. Nakakapagod talaga. Ang daming paperworks at may namimilit pa sa akin na maging skating partner. Kayo po, kamusta na?” Balik tanong niya dito. Kahit boses palang ang naririnig niya sa kanyang magulang ay gumagaan na ang loob niya.
“Sabing dito ka na lang sa Paris. Maganda naman ang buhay natin dito kaya bumalik ka na sa amin ng Papa mo. At sino naman iyang taong iyan na pinapahirapan ka na maging ka-partner sa skating?!” Galit na tanong ng ina sa kanya. Hinilot muna niya ang sentido niya bago sagutin ang ina. Narinig niyang i-trinanslate pa ng ina niya sa French ang tanong nito para maintindihan ng ama. Parang narinig niyang agawin ng ama ang telepono sa ina.
“Carissa, me chere, who is that selfish being forcing you to skate with him? Tell me his name and I’ll let my people deal with him.” Tinitingalang tao sa buong Europa ang kanyang ama dahil marami itong kakilala na matataas na tao sa lipunan dahil naging partners na rin nito ang mga ito sa negosyo ng kumpanya. Talagang nakakatakot ito kaya walang tao na gumagawa ng mga bagay na alam nilang hindi nito magugustuhan.
“Papa, I’m all right. You don’t need to do that.” Pagpapakalma niya dito. Naging panatag na rin ang loob niya dahil at least may mga tao pa ring sumusuporta sa kanya at handang gawin ang lahat para sa kanya.
“No, my child, I won’t let that heartless creature get near to you again. I promise you that. I’ll do whatever it takes just to get that pest away from you forever.” Doon na naalarma si Carissa dahil sineryoso ata ng tatay niya ang sinabi niya. Magsasalita na sana siya para bawiin ang sinabi pero mukhang buo na ang desisyon nito. “Au revoir, me chere. Rêves doux.”
“No..no! Papa! Wait-” Nawala na sa linya ang kausap niya na hindi man lang niya nababawi ang sinabi. O my God. Paano kung ipapatay ni Papa si Landon sa mga tauhan niya? Shucks! Naalala niya noong bata siya at may nagpa-iyak sa kanya. Kinabukasan pagkabalik niya sa eskwelahan ay nabalitaan niyang umalis na ang pamilya nito. Pagkatapos ng ilang buwan ay may nabalitaan siyang nakuha ng mga pulis ang bangkay ng batang iyon sa ilog at nakalagay pa sa sako ang katawan nito. Tapos hinanap ng NBI ang mga pamilya nito ngunit wala na rin pala ang mga ito. Para itong nawala ng bula. Hinalughog nila ang buong lugar na iyon at may nakita silang kotse sa bangin. Pagkakuha nila ay nandoon ang mga bangkay ng pamilya ng batang iyon…lahat patay na. Hindi lang daw aksidente iyon dahil may nakita silang mga bala ng baril doon na pinatamaan ang gulong at bintana ng nasabing sasakyan. Tinanong niya ang ama niya kung kaya ang totoong nangyari sa pamilya na iyon. Ngumiti lang ito at sinabing dapat lang daw ang nangyari sa mga ito.
Tumingin siya sa labas ng verandah at tiningnan ang lugar kung saan naka-park si Landon kanina. Wala na doon ang sports car nito. Sinara na niya ang pintuan ng veranda at pinilit matulog. Hindi siya makatulog ng maayos dahil hindi niya alam ang mangyayari kay Landon. Mga tatlong oras siyang nakahiga sa kama nang maisipan niyang tawagan si Landon.
“Landon.” Wika niya ng marinig niyang may sumagot sa cellphone nito. Hindi muna ito nagsalita.
“Sino ‘to?” Tanong sa kanya ng isang bagong gising na babae.Anong oras na at bakit may kasama si Landon na babae?
“Bye.” Binabaan na niya ito dahil sa sobrang galit. Well, lalaki naman ito. Not to mention, gwapo at mayaman pa. Siguro nagpapalit lang ito ng babae sa bawat beses na magpalit ito ng damit. Isang suot, isang gamit lang tapos itatapon na. Akala niya seryoso ito sa kanya ngunit hindi pala. Napahagulgol na lang siya at niyakap ang tuhod niya. Kung ano man ang gawin sa iyo ni Papa, nararapat lang sa iyo yan!
HINDI na niya sinasagot ang mga tawag ni Landon sa kanya. Lagi siya nitong kinukulit. Hindi parin niya alam kung bakit ganoon na laman ang reaksiyon niya ng malaman na may kasamang babae si Landon? Posible bang in-love na siya kaagad? Gaano ba katagal, o gaanong panahon para mapatunayan na mahal mo na ang isang tao?
Sa pagkakaalam niya, wala namang batas na nagsasaad para mapatunayan na in love nga siya kay Landon- wait! Ano nga uli yon? Siya in love kay Landon? Paano? Kelan? Bakit? Sandali… hindi ba yan nga ang iniisip ko kaya… ano nga ba? Basta! Ano nga ba talaga ang nararamdaman niya kay Landon.
Isang mahinang tapik; pero napaisod siya, ang nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
“Perfect example of phyisically present, but mentally absent.”
“L-Landon?” bakit bumilis ang tibok ng puso niya? Na-miss niya ang boses nito.
“Miss me?” tanong nito sa kanya. Iningusan lang niya ito, nagpatuloy siya sa paglalakad. May girlfriend na siya. Kung hindi man girlfriend baka bed partner. Basta ang alam niya, may babae na sa buhay nito. “Carissa.” Tawag nito sa kanya. Nag-ring ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa bag niya. Ang naka-register na name ang Papa niya.
“Hello Pa?”
“Carissa, where are you?”
“Busy streets of Ortigas.”
“Perfect. According to my people they can see that person who is pestering you. Wait, he is at your back…”
“Yes Pa.”
“Very well. You can witness that he will be out of your life anytime now-“
“No! Papa-“ marahas siyang lumingon at nakita niya na patawid si Landon papunta sa street na kinaroroonan niya. “Landon, wag kang tumawid!”
“What?!” isang malakas na busina ang umistorbo at isang van na humaharabas. She can’t afford to lose Landon. Okay lang sa kanya kahit may girlfriend na ito, hindi naman niya ipapaalam na may gusto siya dito. Habang iniisip niya iyon ay sinimulan na niyang tumakbo.
“Landon!” naitulak niya ito pero hinagip din siya nito kaya sa pagtulak niya dito ay kasama siya. Kaso sa sobrang lakas niya nauntog siya sa poste. “Aw…ah…”
“Carissa, okay ka lang? Dadalin kita sa ospital.”
“Hmmm…”
“Carissa…”
“W-Wag mo akong d-dalhin sa o-ospital… d-delikado ang buham m-mo doon… sa b-bahay mo na l-lang ako gamutin…”
“Huh? What are you talking about? Youu’re not fine and Iwill bring you to the hospital.”
“L-Landon don’t… please… do what I say.”
“Okay. Okay. Fine!”
Naramdaman niya ang pag-angat niya sa lupa. May naramdaman siyang mainit na likido sa batok niya. Kinapa niya iyon. Nang tignan niya ang kamay niya ang nakita niya ay dugo. Nakita din iyon ni Landon.
“Shit! Kailangang madala ka sa ospital. Mamatay ka!”
“A-Aalagaan mo naman ako ‘di ba?”
“Carissa, be reasonable!”
“Just don’t bring me at the hospital. M-Make your doctors go t-to the house.”
“Bakit ba?”
“I’m tired, I want to rest.”
“Don’t sleep, Carissa. Promise me.”
“L-Landon…”
“Promise me!”
“P-Promise…”
Humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Landon. Maya-maya ay naramdaman niya inilapag siya ni Landon. Dumilat siya. Nasa sasakyan sila ni Landon.
“Carissa, just hang on.”
“Ganon ba ako kalala? Bakit ba? Oras ko na ba?”
“Hmmm…” iyon lang ang isinagot niya. Narinig niyang may mga kausap si Landon. Wala na siyang maisip na matino. The next thing she knew there were doctors assisting her in a room that wasn’t familiar to her.
MASAKIT ang buong katawan niya. Marahan niyang minulat ang kanyang mga mata.
“Oh, you’re awake. How are you feeling?”
“Landon? Asan ako?”
“Don’t you remember?”
“Ang alin?”
“Okay, first thing first. You’re in my room-“
“What?!” agad niyang tinignan ang katawan. She was dressed of a pajama. At hindi sa kanya yon. Nanlaki ang mga mata niya.
“Okay. Hindi ako ang nagbihis sayo, pinabihisan kita sa mga nurses. Hindi mo ba talaga natatandaan?”
“Hindi.”
“Okay we were together the that night-“
“May nangyari sa atin?!” bulalas niya.
“Wala! For heavens sake, woman! Be serious because I am very serious here.”
“Okay… so what happened?”
“I was nearly ran over by a van and you push me and I got you but you hit your head. And-“
“N-Naaalala ko na. Sorry.”
“Why are you apologizing?” she can sense gentleness on his voice.
“K-Kasi kasalanan ko kung bakit muntik kang masagasaan.” Talagang makokonsiyensiya siya kung may nangyaring masama kay Landon. Buti na lang at wala.
“Carissa, ano bang kasalanan ang sinasabi mo? Hindi mo kasalanan yon. Wala kang kasalanan.”
“It was my father’s plan na patayin ka dahil naiinis ako sayo. T-Tinutulan ko pero binaba na niya yung phone. He did it twice. Kaya h-hinagip na lang kita.” Tuluyan na siyang napaiyak. “I’m sorry. I’m really sorry. Kaya ayaw kong magpadala sa ospital noon kasi for sure susundan ko nung mga dapat sasagasa sa iyo at sa ospital I’m sure gagawa sila ng paraan para mapatahimik ka nila. I’m sorry nadala pa kita sa gulo na ito. Pero pinapangako ko sayo. Gagawa ako ng paraan para tantanan ka na ng Papa.” Mahaba niyang paliwanag.
“He loves you that much, Carissa, kaya nagawa niya yon.” He sain in understanding tone.
“Naiintindihan mo siya?”
“Of course. Yun nga lang masyado talaga siyang makapangyarihan unlike me. Pero kung ako siguro yon, ganon din ang pagagawa ko sa ng bu-bully sa anak ko.”
“Thank you.” Saad niya.
“For what?” natatawang tanong nito. “Kanina you’re apologizing, now you’re thanking me.”
“For understanding my father and for taking care of me.”
“Your welcome. Sandali ikukuha lang kita ng pagkain mo para mainom mo na yung mga gamot.” Ngumiti lang ito at saka lumapit sa kanya. Dumampi ang kamay nito sa pisngi niya pinunasan nito ang luha niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Ngumiti ito. “Always smile, Carissa. You look more beautiful when you smile. You smile for me when I asked if you’re okay nung nauntog ka. You smile for our lives. I would never forget that experience with you. But when you frown you also look very pretty.” Saad nito at nginitian siya. Kinintalan ng halik sa noo niya ngumiti at umalis.
Pag-alis nito saka lamang niya nalaman na pinipigil niya ang hininga. At hindi na muli bumalik sa dati ang tibok ng puso niya.
“He just said that I am beautiful…” sa loob-loob niya. He is indeed a really a good guy.
Chapter Three
PINAGSILBIHAN siya ni Landon. Alalay na alalay ito sa kanya. Medyo exagg na nga.
“Landon, nauntog lang ako pero hindi ako baldado.”
“Kahit na. Sabi ni Doc bugbog lang daw ang katawan mo at wala ng pinsala bukod sa ulo mo. Isa pa tsaka mawalan ako ng skating partner. Lagot na.”
“Ouch! Sapul na sapol yon ah! Skating partner… so yun pala ang dahilan kung bakit siya mabait sa akin at inaasikaso niya ako ng ganito. Hindi dahil gusto niya- wait! Bakit nasama ang usapan ang ‘gusto?”
“Kasi nga gusto mo siya kaya ka nasaktan ng kaya siya ganyan sayo dahil skating partner ka niya.” Sagot ng isang bahagi ng kanyang isipan. Pinilig niya ang kanyang ulo.
“Carissa, okay ka lang?”
“H-Huh?”
“Para kasing may gusto-“
“Gusto?! Sino may gusto? Anong gusto?”
“Teka… cool ka lang. Kako, parang may gusto kang awayin. Tignan mo ang pagkakahawak mo diyan sa kumot.”
Tinignan niya ang kamay niya. Lukot na lukot ang comforter na hawak niya.
“See? Galit ka ba? Relax a bit.”
“Akala ko nabuko na niya ako na gusto ko siya. Pero teka nga, gusto ko nga ba talaga siya?” tanong niya sa kanyng isipan. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kumot.
“Ano ba ang gusto mong-“
“Ikaw.”
“Ha?” nabigla niyang tanong.
“Ha?” kunwari ay wala siya sa sarili.
“Ikaw nga diyan ang tinatanong ko tapos sabi mo ‘ikaw’ tinanong kita, sabi mo din ‘ha.’”
“Ha? Hindi ko maintindihan.” Kaila niya.
“Never mind. Ang tinatanong ko kung ano ang gusto mong kainin?”
“Ah… gusto ko nang umuwi.”
“Hindi pwede. Walang mag-aalaga sayo ‘don.” Seryosong saad niya. Napangiti ako.
“Concerned siya sa akin!” sigaw ng kalooban ko.
“Oy! Huwag kang mag-iisip ng kung anu-ano. Kapag hindi ka gumaling kaagad, hindi tayo makakapag-practice, matatalo tayo saOlympics.”
“Ouch! Oo nga pala. Skating partner lang ang papel ko sa buhay niya. Asa pa akong maging girlfriend niya!” saad ng kalooban ko.
“Habang may buhay may pag-asa. Hindi imposible na magkagusto siya sayo.” Saad naman ng isang bahagi ng kalooban niya.
“Oo na, oo na! Basta! Gusto ko nang umuwi. ‘Wag kang mag-alala, papagaling ako.” Sabi niya sabay irap. Nagulat siya ng humalakhak ito.
“Ang cute mo pag umirap.”
Na-flatter siya sa sinabi nito. Pero tinatak na niya sa kukote niya na skating partener siya nito. At hanggang doon lang ang papel niya.
Pagkatapos ng isang linggo ay nagbalik na rin ang lakas ni Carissa mula sa aksidenteng iyon. Pinayagan na rin siya ng mga doctor sa kanya na pwede na siyang bumalik sa dati niyang mga ginagawa basta hinay-hinay lang. Kahit alam naman kasi ni Carissa na pwede na talaga siyang magtrabaho, tinututulan siya parati ni Landon at kinailangan pa ang payo ng mga eksperto para magtigil ito.
Habang nasa poder siya nito ay marami siyang natutunan dito. Ang mga paborito, mga ayaw at higit sa lahat natutunan niya kung kagano ito kasarap kasama at concerned sa kanya. Bawat segundo na nakasama niya ito ay unti-unti nang nahulog ang kanyang loob. Kaya ngayon kapag nakakita pa lang niya ang kahit anong bagay na magpapaalala sa kanya ni Landon ay hindi niya mapigilan ang kiligin.
Nasanay na siya sa presensya nito simula non. Kaya ngayong nasa loob na sila ng kotse nito ay nalulungkot din siya dahil alam niyang ma-mimiss niya ang lalaking ito. Tahimik lang silang dalawa. At hindi niya makayanang hindi mag-alala para dito.
“Landon.”
“Hmm…bakit?” tanong nito sa kanya.
“Ahh…wala lang. Basta ipangako mo sa akin na mag-iingat ka.” Nilingon siya nito at kitang-kita siguro sa mukha niya ang concern para dito.
“Mag-iingat naman ako, Carissa. Don’t worry. Everything will be alright.” Ginanap nito ang kamay niya at naramdaman niya ang nakakakiliting sensasyon na na bumabalot parati sa kanya bawat beses na magkaroon sila ng physical contact sa isa’t isa. “Thanks for your concern. I promise, talagang mag-iingat ako. Sabihin mo lang namami-miss mo ako kaya ka ganyan.” Tumawa ito at nahigit niya ang kanyang hininga. Darn that smile! Nababaliw na kasi siya sa ngiti nito. Isang ngiti lang, parang may mga dagang nagrarambol sa dibdib niya.
Doon pa lang napansin ni Carissa na kanina pa pala nakahinto ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Ayaw pa niyang malayo kay Landon. Nagpaalam na siya dito at tinaniman naman nito ng halik ang likod ng palad niya tsaka nagpaalam. Napatayo na lang siya ng wala sa oras kaya nauntog siya. Tinamaan siya ng hiya kaya talagang naramdaman niyang uminit ang pisngi niya. Buti na lang wala masyadong tao doon sa kalye. Agad niyang sinara ang pinto dahil baka mag-alala na naman ito sa kanya kahit simpleng untog lang iyon ng mga taong wala sa sarili.
Kinayawan pa niya ito bago pumasok ng bahay niya. Nang makita niyang pinaharurot na nito ang sports car nito ay tsaka pa lang niya pinihit ang seradura ng pinto at pumasok. Napakatahimik ng bahay niya. Walang ka-tao tao. Walang buhay. Lumapit siya sa answering machine niya at nakitang marami na palang naka-stock na voice messages doon. Pinakinggan niya isa-isa. Tatlong mula sa ka-opisina niya. At lahat ng natira ay mula sa magulang niya.
You have 3 old messages. You have 9 more messages…
Monday 10:54 p.m. “Carissa, how are you there? Are you alright? Kamusta ka na nga pala mula doon sa lalaking iyon? Call me back immediately pagdating mo, anak. Good night.”
Tuesday 2:30 p.m. “Carissa, bakit hindi ka pa tumatawag hanggang ngayon? Ano na ang nangyari sa iyo? Nagtatampo ka ba sa amin? Sagutin mo ako agad, anak. Nag-aalala na kami ng papa mo.”
Tuesday 11:03 p.m. “Anak, bakit di ka pa tumatawag? Nasaan ka ba?”
Wednesday 9:27 p.m. “Carissa, are you there? We called at your office and they said you weren’t there. Where are you right now, young woman? Answer me or else.”
Thursday 12:04 a.m. “Why the hell you’re not answering this phone?! We have a lot to talk about right now young woman.”
Friday 8:17 p.m. “Carissa, answer this phone right now…Where the hell are you?”
Saturday 4:21 a.m. “Carissa…you’re making us nervous. What really happened to you this past week?”
Saturday 10:05 p.m. “Carissa, anak, kapag hindi mo pa sinagot itong tawag na ito. Uuwi kami diyan kaagad. Anak, ano ba talagang nangyayari diyan?”
Sunday 2:30 a.m. “Carissa, we’re coming home right now. Nakapag-book na kami ng flight. We’re going to the airport now. See you later.”
Agad siyang nag-alala. Paano kung malaman ng magulang niya na nabagok ang ulo niya? Ano ang idadahilan niya kung sakaling tanungin kung saan siya nanggaling at nagsuot buong linggong wala siya sa bahay at opisina? Nilamig kaagad siya. Napatingin siya sa orasan. Sunday na ngayon at 5:00 p.m. na. Pinakamabilis na oras ng biyahe from Paris to Manila ay 18 hours and 3 minutes. Pinakamatagal naman ay 26 hours and 15 minutes. Most probably makakarating dito sa Pilipinas ang magulang niya ay 9 p.m. ngayong gabi hanggang 5 a.m. kinabukasan. May tatlong oras hanggang labing-dalawang oras pa siya para makapaghanda dito. Balisang-balisa na si Carissa at hindi alam ang gagawin. Nababaliw na siya!
……………………………………………………………………………………………..
Hawak-hawak na ni Carissa ang cellphone niya. Hindi niya alam kung sino sa mga kaibigan niya ang makakatulong sa kanya. Palakad-lakad siya at hindi talaga alam ang gagawin. Huminga siya ng malalim at pikit-matang pinindot ang ‘call’ button ng cellphone niya kung sino man iyon. Nag-ring na ito at pagkatapos ng ilang segundo ay sinagot na siya rin siya nito.
“Hello” Bati niya sa sumagot na iyon. Hindi pa rin kasi niya tinitignan ang pangalan ng taong natawagan niya.
“Oh Carissa! Napatawag ka?” Tanong ng isang pamilyar na boses sa kanya. Narinig na niya ito eh. Teka…saan nga ba niya ito naka-usap…aha! Doon sa bar noong magkaroon ng blow out iyong Boss niya at dumating ang anak ng pinaka-boss ng kumpanya in behalf of him. Ito iyong anak…ano nga ba ang pangalan nito? Hmm…parang may sarili itong business…gwapo…masculine…hotel business ang pampayaman ng lalaking ito eh. Tama si Gaspard! Ang half-French din katulad niya. Baka makatulong nga ito sa kanya.
“Gaspard! I need your help. Sana talaga matulungan mo ako.” Paki-usap niya dito.
“Ah sure. Ano ba ang nangyari?” Mabait din ito sa kanya at noong una pa nga eh mukhang nasindak ito ng kagandahan niya.
“My parents are coming to town.”
“So? Any problem with them?” Tanong nito.
“Yes. Very huge. Masyadong mahabang istorya. Pumunta ka na lang dito.”
“Uhm…not now Carissa. Nasa ancestory house pa ako ng asawa ko. Magagalit si Misis kapag umalis ako.” Natigilan si Carissa.Misis?! Kelan pa ito kinasal? Wala naman itong sinabi sa kanila na engage ito. Napakabilis naman. Last month lang iyong party na iyon at marami silang tainga sa opisina nila kung sinu-sinong babae ang dumadaan sa lalaking ito. ‘Single at available’ pagmamalaki pa nito sa kanila last month na ikinatuwa naman ng mga babae doon. Baka naman may pananagutan siya sa babae kaya niya pinakasalan? “Hello? Are you still there?”
“Ah…oo…kinasal ka na? Ngunit…subalit…datapwat…” Paggaya niya sa isang radio commercial dahil sa sobrang daming tanong sa lalaking ito. Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya.
“Ganyan talaga ang buhay. Kapag mahal mo ang isang tao, lahat gagawin mo para makuha siya.” Wika nito sa kanya.
“So…binuntis mo siya para pumayag siyang magpakasal sa iyo?” Tanong ulit niya dito.
“Huh? Ni hindi ko nga mahawakan dulo ng daliri niya, tapos mabubuntis ko siya. How I wish…”
“Oh sige sige. Mamaya magselos pa ang asawa mo.” Putol niya sa iniisip nito.
“Sorry. Di kita matutulungan. Kung kailangan mo ng tulong marami akong kakilala. Send ko na lang sa iyo ang name card via sms. Sige. Sana matulungan ka niya.” Nagpaalam na rin siya dito. Sino naman kaya ang irereto nito sa kanya?
Na-receive niya agad ang message nito. Pagkabukas niya ay Landon Villanueva ang nakatatak sa name card nito. Seryoso ba ito? Parang nakatadhana talaga ito sa kanya. Pero baka naman magalit ang magulang niya kung makita itong…buhay? Pero dahil siya ang may kasalanan kung bakit nasangkot si Landon sa problema nila, siya dapat ang managot. Mas mabuti pa nga kung personal nilang harapin ang magulang niya. Dinayal na niya ang number nito at pagkatapos ng ilang ring sumagot na rin ito sa wakas.Here goes nothing…
………………………………………………………………………………………………………
“Cali, tatagan mo ang loob mo. Kaya natin yan.” Wika sa kanya ni Landon.
“Ano ba ang gagawin natin kapag-”
“Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo.” He laced his fingers to her hair while they wait. Iyon lang ang kaya nilang gawin ngayon…ang maghintay. Talagang kinakabahan na si Carissa sa mangyayari. Tumawag na kasi ang nanay niya from NAIA at sinabing papunta na sila sa bahay niya. Thirty minutes ang travel time at baka saktong 9 p.m. ang mga itong dumating sa bahay niya. Bawat paggalaw ng kamay ng orasan ay pasikip na ng pasikip ang dibdib niya, hindi na siya makahinga ng maayos sa sobrang kaba.
It’s already 8:50 p.m. Buti na nga lang dumating kaagad si Landon pagkasabi niyang kailangan niya ang tulong nito. Pasalamat na lang siya at kasama niya ito sa mga oras na ito. Talagang kailangan niya ng makukunan ng lakas ng loob at pinatunayan naman nito na hinding-hindi siya nito iiwan. Napahigpit ang pagkahawak niya sa kamay nito. “I’m sorry.” Hindi na niya nakayanan kaya nabuhos na niya ang lahat ng sama ng loob niya. Napahagulgol na siya dito. Kahit kailan ay hindi pa siya umiyak sa harap ng isang tao. Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan ang noo niya.
“Shh…”